Ang pagtanggi ni BBM ang nagpatunay.
Ang pamunuan ng Hakbang ng Maisug ay walang kinalaman sa paglabas ng video footage na nagpapakita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumisinghot ng cocaine sa mga pagtitipon ng Maisug sa Vancouver, Canada at Los Angeles, USA.
Ito ay desisyong ginawa ng mga volunteer ng Maisug sa nasabing mga lugar nang walang abiso sa Maisug organizing committe. Gaya ng karamihang Pilipino, nagulat din ang pamunuan ng Maisug nang makita ito sa unang pagkakataon.
Gaya ng inaasahan, agad na kinuwestiyon ng administrasyon ni Marcos ang pagiging totoo ng tinatawag na “polvoron” video, na sinasabing “halatang peke na video” at “isa na namang malisyosong pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Marcos.”
Una, ang malamyang pagtatangka ng administrasyon ni Marcos na simpleng pagtanggi sa video ay nagpapalakas lang ng mga hinala tungkol sa pagkalulong sa droga ni Pangulong Marcos. Gaya ng alam ng kahit sinong abogado, ang pagtanggi ay ang pinakamahinang uri ng depensa. Kailangan nilang gumawa ng mas mabuti kaysa doon.
Alam kahit ng mga ordinaryong tao sa kalsada na ang pinakamagandang paraan para tapusin ang isyu ay ang pagsasailalim sa hair follicle drug test ni Pangulong Marcos. Kapag ginawa ito ng isang mapagkakatiwalaang drug testing center, ang negatibong resulta ay magtatanggal ng lahat ng pagdududa.
Sa halip na gawin iyon, tumugon si Pangulong Marcos ng pakunwaring pagtawa, malamyang pagtanggi o kompletong katahimikan. Ang pagkakaroon ng isang drug user na Pangulo ay hindi katawa-tawa at siya dapat ang unang nakaka-alam nito. Sa kritikal na panahon ng kasaysayan ng bansa kung saan nagbanta siyang ipadadala ang mga sundalo ng bansa sa digmaan, ang pagkalulong sa droga ng Pangulo ay isang malinaw at kasalukuyang panganib.
Paumanhin sa lahat ng mga eksperto na nagpatunay sa pagiging totoo ng video, ang pagtanggi ni Pangulong Marcos na sumailalim sa hair follicle drug test ang pinakamagandang patunay, hindi lamang sa pagiging totoo ng video kundi, mas masahol pa, sa kanyang pagkalulong sa droga.
Ang pagtanggi na inilabas ng Department of National Defense (DND) ay isang sampal sa mukha ng bawat makabayan at kagalang-galang na sundalo na nabubuhay sa pinakamataas na kodigo ng pag-aasal ng militar. Sapat na ang kahihiyan na kinailangan gawin ng DND na pagtanggi. Mas masahol pa sa paggawa, ito ay naging bahagi ng isang kasuklam-suklam na gawain na dapat ay una sa lahat nilang kinakalaban.
Nakapagtataka na sa halip na komprontahin ang Pangulo tungkol dito, piniling talikuran ang nasabing isyu ng mainstream media, na minsang ipinagmalaking ito ay ang pinaka-malayang pamamahayag sa Asya. Kung mapatutunayan na totoo ang kanyang pagkagumon sa droga sa mga susunod na pangyayari, sila ay habambuhay na mumultuhin ng alaala ng kanilang pagiging bahagi ng malawakang pagtatakip ng kanyang mga kriminal na gawain.
Ang walang kahihiyang pagkilos ng mga mambabatas mula sa parehong Senado at Kongreso na tayuan si Pangulong Marcos sa oras na ito ng moral at ligal na krisis ay habambuhay na maaalala ng ating mga kababayan. May pagkakataon pa sanang sila ay mapabilang sa tamang bahagi ng kasaysayan ngunit sinayang nila ang pagkakataong ito.
Sa pamamagitan ng pagbubunyag sa publiko ng matagal nang bulung-bulungan, pinatunayan ng mga magigiting na kalalakihan at kababaihan ng Maisug na karapat-dapat silang tawagin na mga Pilipino. Sila ay naglantad ng kanilang mga sarili sa panganib at kapahamakan ngunit handa silang magsakripisyo upang alisin ang isang pinuno ng estado na kahiya-hiya sa buong mundo. Sila ngayon ay buong karangalang nagtaglay ng kanilang lugar sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa pagtayo sa oras na ang karamihan ay natatakot.
Ang mga susunod na araw ay magiging napakahalaga sa bawat Pilipino at sa bansa. Kakailanganin ng bawat mamamayan na magpasya kung magiging bahagi ba sila ng mga naghahanap ng katotohanan o ng mga kasangkot sa pagtatakip. Ito ay pagpipilian sa pagitan ng pagtayo at paghiling na ipatupad ng bansang ito ang batas nang walang takot o pabor, o pagtatago sa takot at pansariling kaligtasan.
Hindi magiging madali ang pagpili na ito. Alinmang paraan, ito ay maglalarawan sa atin bilang mga indibidwal at bilang isang bayan. Ang pananatiling neutral ay siyang pagboto ng pagtitiwala para sa isang administrasyon na walang pakundangan. Anuman ang naging desisyon at pagpili, ang mga kahihinatnan nito ay mananatiling para lang sa atin.
Minsan nang sinabi ni Abraham Lincoln: “Ang maapoy na pagsubok na kailangan nating pagdaanan ay maglalagay sa atin sa karangalan o kahihiyan, sa mga susunod na henerasyon.” Tunay nga, na tayo ay dumadaan sa isang matinding pagsubok, at huhusgahan tayo ng kasaysayan kung ginawa natin ito ng may karangalan o kahihiyan.
Rodrigo Roa Duterte

