Palagay ko hindi lang yung administrasyon ang binibigyang aral dito ng langit, pati tayo na mga bumoboto.
Kasi tayo ang naglalagay sa mga pulitiko sa posisyon, parang kasalanan pa natin na inilagay natin ang mga yan para magnakaw.
Parang awa na ninyo, ikorek natin yung pagkakamali natin. Kung nabudol kayo dati, make sure na hindi na ulit kayo mabubudol ngayon.
Maglagay na tayo ng mga tao na talagang maasahan natin sa ganitong klase ng mga sitwasyon. Talagang magpo-proyekto sa Pilipinas, at hindi uunahin yung proyekto ng bulsa nila.
