


TINGNAN | Madilim na nang maikabit ng mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement ang tarpaulin na gagamitin para sa nationwide “One Tree, One Nation” Tree Planting Activity na gaganapin sa Sitio Laguna, Brgy. Lusaran, Cebu City.
Ang Sitio Laguna, Brgy. Lusaran ay sakop ng Central Cebu Protected Landscape (CCPL), isang protektadong lugar sa ilalim ng DENR.
Ang CCPL ay mahalaga bilang watershed, tahanan ng endangered species, at pangunahing biodiversity area na nagsusuplay ng tubig sa rehiyon. | via Charmaine Balagon