Sunday, September 14, 2025
spot_img
HomeBoss DadaVlogger na nasa likod ng BOSS Dada TV, nagbahagi ng karanasan matapos...

Vlogger na nasa likod ng BOSS Dada TV, nagbahagi ng karanasan matapos dumalaw sa KOJC

MAY mga bisita nitong nakaraang linggo ang mga taga Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa mga compound nito sa Davao.

Sila ay mga independent content creator sa Facebook at Youtube, o mga vlogger na aktibo sa paksa ng pulitika.

Isa sa kanila ay si Darwin Salceda o mas kilala bilang Boss Dada ng social media.

Sa panayam sa SMNI Nightline News, aminado si Boss Dada na isa siya sa mga bumabanat noon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pero nagbago lahat ng kaniyang paningin nang makilala nito ang pagkatao ng butihing Pastor.

Doon raw sila bumilib kung gaano pinahahalagahan ni Pastor Apollo ang lahat ng kasapi ng KOJC.

Na mula sa pag-aaral, bahay, pagkain at security ay libreng ibinibigay.

“Teka, parang iba yata ito doon sa pagkakaintindi natin dahil siyempre nga nagbabase lang naman tayo sa opinyon ng nakararami which is hindi mga kasapi nitong simbahan” ayon kay Political Vlogger, Boss Dada TV.

Malaya rin daw silang nakapagtanong sa kahit sinong makasalubong sa KOJC Compound.

Mga tanong na hindi scripted at random.

At sagot sa kanila.

“Ano nga, it’s too good to be true. Pero kapag nandodoon kana sa loob, aba mare-realize mo na totoo pala. At saka hindi pala imposible. Lalo na kung ang lahat ay nagtutulong-tulong. So, nasagot yung mga tanong ko, yung aking mga opinyon. Yung aking maling opinyon, naitama by just being there” saad nito.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na ikutin ang dambuhalang KJC Kingdome—o ang 75,000 seating capacity na Indoor Grand Cathedral na ngayon ay patuloy ang construction.

Pati na ang nakapagandang Prayer Mountain at Glory Mountain—mga sagradong lugar para sa lahat ng pitong milyong Kingdom Citizens.

Ang Glory Mountain na idinawit ng false witness sa Senado ni Risa Hontiveros ay matagal nilang inikot—sa layuning hanapin yung gunstore na sinasabi ng witness na may alyas na Rene.

Hanga rin ang grupo nila sa kababaang loob ng kingdom members at full-time workers na kanilang nakaupang palad ay nakapanayam.

Mga palatandaan ng mga turo ni Pastor Apollo.

At noong makita niya ng personal ang butihing Pastor, ito ang kaniyang assessment.

"Credit to SMNI News Channel - https://smninewschannel.com/vlogger-na-nasa-likod-ng-boss-dada-tv-nagbahagi-ng-karanasan-matapos-dumalaw-sa-kojc/"
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

spot_img

Most Popular